Sumasakit ang aking ulo,
sa kakaisip kung anong problema mo.
Gusto ko mang itanong sa iyo,
ngunit alam kong "wala" ang isasagot mo.Kaibigan ko,
ako pa ba'y pinagkakatiwalaan mo?
O tama ang hinala ko?
Na hindi ka na komportable sa presensiya ko?Sabihin mo lang kung ayaw mo na.
Sabihin mo lang kung masaya ka na sa kaniya.
Kasi kung saan ka masaya,
hahayaan kita.Ganiyan kita kamahal kaibigan,
iyong tipong, ika'y aking hahayaan,
kung saan ka masaya,
kahit pa sa piling ng iba.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018