pamilyang akala ko'y sira na,
ngayon ay nagbabalik na.
mga magkakaibigan na turingan ay pamilya,
gagawa muli ng panibagong ala-ala.ngayong araw ay napakasaya,
araw na napuno ng magagandang memorya.
pagkakaibigan na akala ko'y wala na,
ngayon ay nagsama-sama.ngayong araw ay napuno ng saya,
nangingibabaw ang bawat tawa.
ako'y masayang masaya,
dahil tayo ulit ay nagsama-sama.sa inyo'y maraming natutunan,
sa inyo natuto ng mga kagaguhan.
ngunit sa inyo ko naranasan,
ang isang pagkakaibigan na pamilya ang turingan.ako'y maswerte sa inyo,
salamat at naging parte kayo ng buhay ko.
mahal na mahal ko kayo,
aking mga kaibigan na pamilya ang turing ko.04-04-2018
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoesíaIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018