Tula XXVIII

65 5 3
                                    

sa groupchat kita nakilala,
hanggang sa kalaunan,
naging kaibigan kita.

nang tumagal ang ating pagkakaibigan,
hindi ko namamalayan,
nahuhulog na pala ako sa'yo.

gusto kong malaman mo,
na nang nakilala kita,
at nang dumating ka,
para bang sa buhay ko'y lahat nagbago.

para bang ikaw yung bata at ako ang coloring book mo.
binigyan mo ng kulay ang aking buhay.
ang dating parang patay dahil walang kakulay kulay,
ngayo'y buhay na buhay dahil sa kulay na iyong ibinigay.

at nagising ako isang araw,
ang mahal ko na pala ay ikaw.
hindi ko alam kung bakit at paano.
basta ang alam ko, ikaw ang mahal ko.

pero natatakot akong umamin sa'yo,
dahil baka may magbago.
natatakot akong umamin sa'yo,
dahil baka masira ang pagkakaibigan na 'to.

nalaman ko na may boyfriend ka na,
pero yung pakikitungo mo sa akin ay para bang iba.
kaya ito ako,
mas lalong nahulog sa'yo.

hanggang sa dumating ang araw na,
pinakilala mo siya.
para bang pinagbagsakan ng langit at lupa.
ako ba ay may pag-asa pa o wala na talaga?

mahal talaga kita,
kahit alam kong may mahal kang iba.
hindi ko alam kung paano ko sa'yo ipadarama,
dahil kadalasan kapag tayo'y nag-uusap, ako'y nahihiya.

alam mong gusto kita,
pero hindi mo alam na mahal na kita.
paano ko ito ipapadama,
kung ngayo'y mayroon ka ng 'siya'.
___..___..___..___..___..___..___..___..___..


ito pong tula na 'to ay para po kay lunarbasher15 ^_^
thank you po ulit sa inyo!


Thank you for reading and voting ♡
God bless you all

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon