Tula XIV

137 7 3
                                    

may kasama at mag-isa,
may tig-dadalawang salita.
ngunit iyang dalawa,
ay may malaking pagkakaiba.

magbibigay ako ng halimbawa,
ng pagkakaiba ng dalawa.
tayo na't mag-umpisa,
magsimula sa pang-una.

una, kapag ikaw ay may kasama,
puno ng saya't tumatawa na pawang walang problema.
kapag ikaw naman ay mag-isa,
tahimik na humihikbi at lumuluha.

pangalawa, kapag ikaw ay may kasama,
walang maramdaman kundi kasiyahan
kapag ikaw naman ay mag-isa,
walang maisip kundi puro kalungkutan.

panghuli, kapag ikaw ay may kasama,
walang maisip na problema.
kapag ikaw ay mag-isa,
hindi mo mapigilan ang lumuha.

ilan lamang 'yan sa halimbawa,
ng kanilang pagkakaiba.
para sa'yo, anong mas maganda?
ang maging mag-isa o ang may kasama?

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon