Tula XLIII

35 1 2
                                    

Nang makita kita,
tila ba kumislap ang aking mga mata.
Nang ika'y ngumiti,
sa tiyan ko'y parang may kumiliti.

Nang araw na iyon,
ika'y hindi mawala sa isipan,
at sa malayo ika'y palaging tinitignan.
Marinig palang ang iyong pangalan,
kung ano-ano na ang aking nararamdaman.

Isang araw, aking napag-alaman,
na kaibigan mo rin ang aking kaibigan.
Ika'y ipinakilala niya sa akin,
at siya'y nagtaka sapagkat, sa mga mata mo, ako'y hindi makatingin.

Tinanong niya ako.
Tinanong niya ako kung ika'y aking gusto.
Nang una'y nagmaang-maangan ako.
Ngunit sa huli ay sinabi ko rin ang totoo.

At doon na nagsimula.
Doon nagsimula na lumala,
ang aking nadarama.

Sa lahat ng lakad niyo,
ako'y kaniyang isinasama.
Sa lahat ng laro mo,
ako'y kaniyang pinapapunta.

Dahil doon, ako'y napansin mo.
Napansin mo, ang tulad ko.
Ang tulad ko na isa sa mga humahanga sa'yo sa malayo.

Dahil doon, ako'y naging kaibigan mo.
Naging kaibigan mo, ang tulad ko.
Ang tulad ko na dati ay wala lang sa'yo.

At 'yon na nga.
Ang simpleng paghanga,
ay mas lumala.
Ano ba itong nadarama?
Gusto na ata kita.
Ay mali. Mahal na pala.

Ngunit ito'y aking itinago,
dahil ayaw kong mawala ang kung anong meron tayo.
Ito'y aking itinago,
sapagkat ayaw kong masira ang pagkakaibigan na ito.

Ngunit ako'y maraming nababalitaan,
na maraming umaamin sa'yong kababaihan.
At isa lang ang iyong isinasagot sa kanila,
iyon ay, "Pasensya na, may mahal akong iba."

Ako'y napaisip,
ako'y napaisip kung sino ang tinutukoy mo.
Pero sa kaloob-looban ko,
hindi ko maiwasang isipin na ang tinutukoy mo, sana ay ako.

Hindi ko alam ang aking gagawin.
Dapat na ba akong umamin?
o ito'y patuloy na itago para sa pagkakaibigan natin?

Ngunit parang sasabog na ang aking damdamin.
Sasabog na kapag ako'y hindi umamin.
Kaya pinili ko ang dapat.
Pinili kong ito'y akin ng ipagtatapat.

Ngunit ako'y natigilan.
Ako'y unti-unting pinanghinaan.
Pinanghinaan, nang makita kita,
na kasama siya at iba ang kislap sa iyong mga mata.

At doon ko napagtanto.
Napagtanto, kung sino ang tinutukoy mo.
Ang tinutukoy mong mahal mo,
ay walang iba kundi ang kaibigan ko.

At nang dumilim ang kalangitan,
napagpasiyahan ninyong lumisan.
At nang kayo'y lumisan, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
At ang pagbuhos ng ulan, ay siya ring pagkawasak ng aking pusong nasasaktan.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon