Tula XLIV

54 1 2
                                    

bakit ngayon pa?
bakit ngayon pang sanay na ako ng wala ka?
bakit ngayon pa?
bakit ngayon pa kung kelan sanay na akong mag isa?
ako ay umasa.
umasa sa sinabi mong walang iwanan.
ngunit isang araw, bigla ka nalang hindi nagparamdam.

hindi ka nagparamdam at wala akong kaalam-alam kung ano ang iyong dahilan.
wala akong maisip ni-isang dahilan para ako'y iyong iwan.
ay teka kaibigan, ganti mo ba ito?
ganti mo ba ito sa ginawa kong pananakit sa'yo?
kung ganti mo nga ito,
pwes sobrang saludo ako sa'yo!
ang galing mo! ang galing mo kasi nasaktan mo 'ko.

ngayon, triple-triple ang sakit.
kahit ang aking mga mata'y ipikit,
ramdam ko pa rin na ang puso ko'y parang pinipiga at namimilipit sa sakit.

ipapaliwanag ko sa'yo kung bakit triple-triple 'yong sakit.
nang sa gano'n ay malinawan ka.

una, ang pananakit ko sa'yo.
sa tingin mo, lahat nang iyon ay ginusto ko?
sa tingin mo, hindi ako nasaktan sa ginawa ko?
kung nasaktan ka, mas nasaktan ako.
sapagkat hindi ko na nga iyon ginusto,
nasaktan ko pa ang kaibigan ko.

pangalawa,
pangalawa ay ang ideyang dahil sa'kin ay nasasaktan ka.
dahil kailanman hindi ko ginusto,
hindi ko ginusto na dahil sa'kin ay masaktan ang kaibigan ko.

at ang pangatlo,
ang pangatlo ay ang pang-iiwan mo.
pang-iiwan nang wala ka man lang sinasabing dahilan.
sana sinabi mo man lang ang dahilan,
baka sakaling ito'y aking masolusyunan.

alam mo ba kaibigan,
ako'y labis na nasaktan.
pero ano pa nga ba ang aking magagawa?
tapos na eh.
nangyari na.
hindi na natin maibabalik pa.
hindi na natin maibabalik pa ang dati nating pagsasama at mananatili na lamang iyon na ala-ala.

sa akin ay h'wag kang mag-alala.
kaya ko ng harapin ang aking mga problema.
kaya ko na itong harapin kahit ako'y mag isa.

alam ko namang kasing ika'y masaya na.
masaya ka na sa piling ng iba.
ika'y hindi na muling guguluhin pa.
kaibigan, pinapalaya na kita : )

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon