Mahal ko, bakit ako'y iyong iniwan?,
alam kong lahat ng ito ay may dahilan.
Ngunit ako'y naguguluhan,
sapagkat tayo naman ay nagmamahalan.May pagkukulang ba ako sa iyo?,
o hindi pa sapat ang pagmamahal ko?
ako ba ay nagbago?,
o iba na ang laman ng iyong puso?Sana ang aking mga tanong ay masagot na,
para ako'y hindi na maguluhan pa.
Pawang ang aking mga luha,
ay kulang pa para maibsan ang sakit na nadarama.Ako ay umasa,
na ika'y babalik pa.
Ngunit ang pag-asang iyon ay unti unting naglaho na,
dahil lumipas ang ilang taon ika'y hindi na nagbalik pa.Siguro nga tama sila,
kailangan ko ng tanggapin na wala ka na.
Tanggapin na hindi ka na muling babalik pa,
at higit sa lahat ay ang tanggapin na ang ating pag-iibigan ay mananatili na lamang na alaala.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018