Tula XXXIV

59 3 2
                                    

kapag ikaw ay may problema,
nandito lang ako para damayan ka.
nandito ako,
handang tumulong sa'yo.

lahat ng gusto mong ikwento,
ay pakikinggan ko.
at susubukan ko,
na bigyan ka ng payo.

maikli man 'yan o mahaba,
paulit-ulit man o paiba-iba.
madrama man 'yan o mala-telenobela,
ako'y hindi magsasawa, na magpayo at pakinggan ka.

hindi ka nag-iisa,
sa lahat ng iyong problema.
sapagkat may mga kaibigan ka,
na handang tulungan ka.

hindi ka nag-iisa,
sa lahat ng iyong problema.
ano pa't ako'y iyong naging kaibigan?
kung hahayaan kong harapin mong mag-isa ang laban?

nandito ako upang ika'y tulungan,
nandito ako upang ika'y payuhan.
nandito ako upang ika'y samahan,
sa lahat ng problema mo sa buhay at sa'yong mga laban.

kaya pakinggan mo ang payo ko,
magpakatatag ka at sabihin mo sa sarili mo,
"kakayanin ko ito,
at hinding hindi ako susuko."

kaya mo 'yan kaibigan,
alam kong kaya mo 'yang lampasan.
simple lang naman ang kailangan mo,
ang magpatuloy at h'wag sumuko.

ako'y laging nasa tabi mo,
ako ang taga suporta mo.
hinding-hindi kita iiwan, sa lahat ng iyong laban.
kasi 'yon ang tunay na kaibigan.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon