Inalagaan mo ako simula nang ako'y bata,
sinubaybayan mo hanggang sa ako'y nagdalaga.
Ginagawa mo lahat ng iyong makakaya,
upang masigurong ang buhay ko ay maayos at maganda.Ako'y iyong inalagaan,
at kailan ma'y hindi mo pinabayaan.
Kapag napapansin mong ako'y may problema,
imbes na ako'y tanungin, ako nalang ay iyong pinapatawa.Salamat sa mga sakripisyo,
na ginawa,ginagawa at gagawin niyo.
Salamat sa pagtitiyagang magtrabaho,
at salamat dahil kahit minsa'y ika'y hindi sumuko.Maraming salamat sa'yo Papa,
at salamat sa lahat ng mga sakripisyong iyong ginawa.
Lagi niyo pong tatandaan na,
Mahal na mahal po kita.
Happy Father's Day!
___..___..___..___..___..___..___..___..___..
Note: Itong tula na 'to ay dini-dedicate ko para sa papa ko. Happy Father's Day, Papa! I love you!Sa lahat ng Papa, Daddy, Tatay, Dada, or kung ano man ang tawag niyo sa lahat ng papa niyo, Happy Father's Day! God bless you all!
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoesíaIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018