nakaraan na kay sarap balikan.
mga ala-alang may tampuhan,
ngunit mas nangingibabaw ang mga ala-alang puno ng tawanan at halakhakan.mga masasayang ala-ala,
nang mga panahong tayo'y kumpleto pa.
kapag dating sa problema,
problema ng isa, problema ng buong tropa.napakarami nating pinagdaanan,
na mga pangyayaring hindi natin inaasahan.
pero dahil tayo'y magkakaibigan,
tayo'y nagtulungan at hindi nag-iwanan.'yong mga araw na puro asaran.
tawag sa isa't isa ay kung ano-anong pangalan.
kadalasang ginagamit natin ay pangalan ng ating mga nanay at tatay,
at biglang tawa ng sabay-sabay.may pa ghost hunting pa tayong nalalaman,
tayo tuloy ay napaglaruan.
pero dahil tayo'y magkakaibigan,
siyempre laban lang ng laban.siguro habang ito'y iyong binabasa,
napapangiti ka at inaalala mo 'yon isa isa.
ngunit basahin mo ang pinakaunang salita.
unang salita rito sa tula."nakaraan"
ibig sabihin ay tapos na.
ibig sabihin ay nangyari na.
ibig sabihin, ito'y parte na lamang ng ala-ala.masakit ba?
masakit ba na nagbago na?
masakit ba na tayo'y kaniya-kaniya na?
masakit ba na ang dati ay naglaho na?pero ano pa nga ba ang magagawa?
ito'y nandito na. nangyari na.
masaya na kayo kasama sila.basta ito ang h'wag na h'wag niyong kalilimutan,
sa ano mang problema, kayo ay aking tutulungan.
hinding-hindi ko kayo iiwan,
at nandito lang ako para kayo'y payuhan at damayan.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PuisiIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018