Tula XXIII

68 3 0
                                    

may mga bagay na mahirap intindihin.
kaya minsan ay pinipili mo nalang balewalain.
may mga bagay na dapat mong sarilihin.
na ang dating sa kanila ay mayroon kang nililihim.

may mga bagay na ikaw lamang ang nakakaintindi.
kaya ito'y iyong sinasarili.
may mga bagay rin naman na kaya nilang intindihin,
ngunit mas pinipili mo itong sarilihin.

kapag nagsabi ka ng problema,
iniisip mo na pabigat ka sa kanila.
kaya ngayon pakiramdam mo'y nag iisa ka.
ginusto mo iyan, h'wag kang tanga.

libre naman ang maging tanga,
pero kapag sumobra, hindi na maganda.
kapag hindi mo na kaya, magpahinga ka,
o di kaya'y lumapit ka sa iyong mga kaibigan dahil ikaw lang naman ang hinihintay nilang magsalita.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon