hello sa'yo, kaibigan ko.
ako sana'y pakinggan mo.
gusto ko lang na malaman mo,
na ikaw ay mahal ko.ikaw ang tinitibok,
nitong aking puso.
kahit ano pang pagsubok,
ako'y hindi susuko.ako sana'y pagbigyan mo,
na mahalin ka ng buong puso.
magtitiyaga ako,
makuha lang ang matamis mong oo.kahit sino o ano ka pa,
mahal at mas mamahalin pa kita.
ikaw lang ang gusto kong makasama,
hanggang sa aking pagtanda.gusto kong magkasama tayong tumanda,
dahil hindi ko kayang ikaw ay mawala.
sa lahat ng bagay ikaw ay susuportahan,
ipagmamayabang at ipagmamalaki sa buong sambayanan.kaya sana pagbigyan mo,
ang hiling ko na ika'y ligawan ko.
hindi ako mangangako ng kahit ano,
pero makakaasa ka na ika'y mamahalin ko ng buong buo.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018