Tula XXXIII

52 6 0
                                    

nakaraan ay dapat ng limutin,
mga pangyayari ay dapat ng tanggapin.
'yan ang dapat nating gawin,
upang maka-usad sa sakit ang mga puso natin.

mahirap mang gawin,
ngunit ito'y ating kakailanganin,
upang mawala na rin,
ang bigat at sakit sa ating damdamin.

h'wag na nating balikan pa,
ang nakaraan na alam nating tapos na.
alam nating ito'y malabo na maulit pa,
sapagkat mayroon ng malaking pader na nakaharang sa pagitan nating dalawa.

masakit man isipin,
pero kailangan nating gawin.
nakaraan ay dapat ng limutin,
at h'wag ng muli pang alalahanin.

h'wag ka ng umasa,
na babalik pa ang dati nating pagsasama.
dahil ito'y mananatili na lamang na,
malungkot, masakit, nakakatuwa at masayang ala-ala.
___..___..___..___..___..___..___..___..___..

Para 'to sa kaibigan ko kasi siya yung nagbigay sa akin na idea na maisulat 'to.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon