Tula XLII

38 1 2
                                    

ikaw at ako.
ano nga ba ang meron tayo?
may karapatan ba ako?
may karapatan ba akong malaman ang nakaraan mo?

nais ko lang namang malaman.
sapagkat ako'y nahihiwagaan.
nahihiwagaan sa iyong nakaraan.
ngunit, ano nga ba ang aking karapatan?

sino nga ba ako para sa'yo?
ako ba ay mahal mo?
o isa lang ako sa mga taong importante para sa'yo?
naguguluhan at nalilito na kasi ako.

sa bawat sabi mo ng "mahal kita",
'yan nga ba ang totoo mong nadarama?
sa bawat sabi mo ng "ikaw lang, wala ng iba",
ako nga lang ba talaga?

ito na naman ako,
punong-puno ng tanong sa isipan at puso.
lahat na nga ba ito ay totoo?
o naglalaro pa rin tayo?

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon