Nang makita kita,
hindi ko akalaing sa buhay ko'y magiging importante ka.
Nang makilala kita,
ang buhay ko'y naging makulay at napuno ng saya.Nang pinagtripan kita,
walang ibang nasa isip ko kundi ang biruin ka.
Nang sineryoso kita,
lahat ng biro ko, seryoso na.Nang minahal kita,
natakot akong umamin baka iwasan mo na lang ako bigla.
Nang sinabi mong mahal mo ako,
ako na ata ang pinakamasayang tao sa mundo.Nang nanligaw ka,
pinakilig mo ako ng sobra-sobra.
Nang sinagot kita,
nakita ko ang saya sa iyong mga mata.Ngayong tayo na,
gusto ko ikaw lang, ayaw ko na sa iba.
Ngayong akin ka na,
mas mamahalin pa kita.Ngayong tayo na,
hindi na kita papakawalan pa.
Ngayong akin ka na,
hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba.Ngayong tayo na,
iingatan at aalagaan kita.
Ngayong akin ka na,
mamahalin pa kita ng higit pa sa sobra.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018