Tula XXXVI

56 2 5
                                    

NOTE: this is dedicated to him. secret na kung sino hahahaha basta para sa kaniya. (sa mga nakakaalam, shhhhh nalang ah? hahaahha) paniguradong hindi ko 'to masasabi ng personal kasi mahiyain akong tao. so, gumawa nalang ako ng tula para masabi ko 'yong gusto kong sabihin. sana mabasa niya 'to, but i know malabo 'yon hahahaha hindi naman siya wattpader eh. so ayun lang. sana magustuhan niyo rin 'to. enjoy reading ♡

___..___..___..___..___..___..___..___..___..

Bigla kong naalala,
ating masasayang ala-ala.
Mga panahong tayo'y nagbibiruan pa,
mga panahong halos walang katapusan ang usapan nating dalawa.

Dati, kapag dating sa bahay galing sa eskwela,
mag-o-online agad sa social media.
Ika'y agad agad na icha-chat,
dahil parang ang magkita sa paaralan ay hindi pa sapat.

Pero dahil sa desisyon ko,
dating tayo'y naglaho.
Pero sa totoo lang, hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko.
Kahit na maraming bagay ang talaga namang nagbago.

Oo. Alam kong nasaktan kita.
Pakiramdam mo lahat ng efforts mo'y nabalewala.
Sa lahat ng nagawa ko, pasensya na.
Ginawa ko lang naman 'yong alam kong makabubuti sa ating dalawa.

Alam ko'y ika'y nasasaktan pa.
Pero ramdam kong balang araw ika'y magiging masaya,
masaya na nakangiti, hindi lang ang 'yong labi kundi pati ang 'yong mga mata.
Masaya na laging nakatawa at 'yon ay hindi peke kundi totoong mga tawa.

Balang araw, ako sana'y mapatawad mo,
sa mga nagawa at biglaang desisyon ko.
Pati na rin sa mga pasakit at mga problemang binigay ko,
Sana ako'y mapatawad mo.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon