ang alam ko,
ayos lang ako.
wala naman akong problema,
tingin ko, ako naman ay masaya.ngunit nakapagtataka,
para bang ako'y may problema.
problema na, ako'y walang ka-ide-ideya.minsan iba ang nadarama,
na para bang sa puso'y may nakabara,
at para bang ito'y may mabigat na dala-dala.damdamin ay sobrang bigat,
na kahit ito'y isigaw, hindi pa rin sapat.
gusto kong ito'y iiyak,
ngunit walang lumalabas ni isang patak.ano ang dapat kong gawin?
paano mawawala ang bigat sa damdamin?
solusyon ay saan ba hahanapin?
upang mawala na ang bigat at sakit na kinikimkim.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018