Tula XIII

167 6 2
                                    

maraming pangyayari,
bakit ganito?
anong nangyari?
ang daming nagbago.

mga pagbabago,
na nangyayari sa bawat tao.
pero hindi ko akalaing aabot sa ganito.
pagkakaibiga'y tuluyang naglaho.

masayang magbabarkada,
na turingan ay pamilya.
ngayo'y naglaho na,
pawang hindi kilala ang isa't isa.

dati kapag sila'y nagsama-sama,
puro saya at walang humpay na tawa.
ngayo'y kapag sila'y nagkikita,
walang mabigkas ni isang salita.

dati kapit-bisig bawat isa.
tulungan at damayan kapag may problema.
ngunit ngayo'y wala na,
naglaho ng parang bula.

nagdadamayan kapag may problema,
masaya kapag nagsama-sama.
magkakaibigang turingan ay pamilya,
ngayo'y isa na lamang ala-ala.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon