nanlalabong mga mata,
nagbabadyang mga luha.
habang iniisip kita,
habang iniisip ang ating mga ala-ala.mga ala-ala na kasama kita.
mga ala-ala na tayo lamang dalawa.
tayong dalawa na sobrang saya.
tayong dalawa na magkasama kahit saan magpunta.'yong tayo na halos hindi mapaghiwalay.
'yong tayo na nagkakasundo sa lahat ng bagay.
'yong tayo na sobrang pasaway.
at 'yong tayo na gumagawa ng mga bagay ng sabay.'yong mga bagay na ako ang gumagawa.
'yong araw-araw ako ang iyong kasama.
'yong dating tayong dalawa,
napalitan ng ikaw at siya.'yong pangarap mo para sa ating dalawa,
naging pangarap mo para sa kaniya.
'yong mga ngiti at tawa mong ako ang dahilan,
ngayo'y tuluyan ng napalitan.siguro binabalot ka ng kalungkutan,
sa t'wing ako'y pumapasok sa'yong isipan.
gusto mo pa rin ba akong balikan?
o gusto mo na akong kalimutan ng tuluyan?pasensiya ka na aking kaibigan,
kung ika'y labis kong nasaktan.
humihingi ako ng kapatawaran.
patawad, aking kaibigan.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018