hindi ko na maintindihan.
ako'y naguguluhan.
ano 'tong aking nararamdaman?
bakit ako'y nasasaktan?ano itong nangyayari?
alam kong ayos lang naman tayo.
pero bakit parang may mali?
hindi ko alam, naguguluhan ako.bakit pakiramdam ko,
hindi na ako?
bakit pakiramdam ko,
iba na ang gusto mo.napapraning na ba ako?
o tama ang iniisip ko?
hay ewan ko.
naguguluhan ako kaya ipapahinga ko nalang muna ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/143356415-288-k442173.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018