Tula VIII

248 10 5
                                    

"KAIBIGAN"

Nandiyan ka kapag ako'y may problema,
kapag ako'y malungkot, ako'y iyong pinapasaya.
Ikaw ang nagpapatahan sa'kin sa tuwing ako'y lumuluha,
at higit sa lahat, ako'y 'di mo iniwan nang panahon na wala na akong ibang inisip kundi ang sumuko na.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.
Kaya kung ikaw ay may problema,
nandito lang ako para damayan ka.
Handa akong makinig sa iyong mga drama,
kahit iyan man ay napakahaba.

Mahal kita kaibigan ko.
Kaya nandito lang ako lagi para sa'yo.
Lumaban ka at 'wag sumuko,
dahil iyan din ang gagawin ko.

Nagpapasalamat ako sa Diyos, dahil ikaw ay aking nakilala.
Salamat dahil naging kaibigan kita.
Salamat sapagkat ako'y hinayaan mong makilala ka.
Isa lang ang masasabi ko.... kaibigan ko..... mahal kita.

Ngunit paano kung dumating ang araw na,
ako'y iiwan mo na?
Sana ay ako'y hindi mo makalimutan,
kapag dumating ang araw na ako'y iyong iiwan.

Tayo man ay magkahiwalay,
tayo'y mananatili pa ring magkaibigan.
Wala man ako sa'yong tabi para maging iyong karamay,
sana 'di 'yan maging dahilan para ako'y iyong makalimutan.

Kahit ika'y magkaroon ng mga bagong kaibigan,
sana ako'y h'wag mong kalimutan.
Lagi kitang susuportahan,
kahit na tayo'y minsan nalang magkakabatian.

Ngunit bago ang lahat ng iyan,
tayo'y may maikling oras pa.
Maikling oras na magkakasama
at maikling oras na dapat punuin natin ng masasaya at magagandang alaala.

Maikling oras nalang ang natitira sa atin.
Sana ay ito'y hindi natin sayangin.
Dapat ito'y ating sulitin.
dahil kung ito'y nasayang, walang ibang dapat sisihin kundi tayo tayo rin.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon