Sa paaralan, ako'y iyong hinahatid at sinusundo.
Para lang masiguro na maayos at ligtas ako.
Kapag ako'y may proyekto,
sa'yo ako humihingi ng panggastos ko.Salamat sa lahat.
Kahit minsan ako'y makulit,
nandiyan ka pa rin,
upang ako'y tulungan at mahalin.Salamat sa pagtitiyagang magtrabaho,
para mabigay lahat ng kailangan ko.
Salamat sa mga sakripisyo,
para lang makapag-aral ako.Maraming salamat sa'yo papa,
sapagkat ako'y inaalagaan mo simula nang ako'y bata.
Maraming salamat sa'yo papa,
dahil ako pa rin ay sinusubaybayan mo hanggang sa aking pagdadalaga.Happy Fathers Day, Papa!
Sana magustuhan mo itong tula.
Mahal na mahal po kita.
___..___..___..___..___..___..___..___..___..Hellooooo! Isa pang tula para sa papa ko haha. Ito sana gift ko sa kaniya kaso nahihiya akong ibigay sa kaniya so, nipost ko nalang dito ^-^
Thanks for reading! God bless you! And again, Happy Father's Day sa lahat ng tatay!
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018