maaaring wala tayong alaala na magkasama,
ngunit ang pangako mong lagi kang nandiyan ay sapat na.sa school tayo nagkakilala,
ngunit sa chat mo ako mas nakilala.
naging kaibigan kita,
kinalaunan ay naging "kuya".ang turing ko sa'yo bilang kuya,
nang tumagal ay mas humigit pa.hindi ko alam kung kailan nag-umpisa.
hindi ko alam kung paano nag-umpisa.
basta bigla ko nalang naramdaman na,
mahal na pala kita.oo, mahal na kita.
hindi lang bilang kaibigan, kundi higit pa.
bakit sa dinamirami ng lalaki ay ikaw pa?
ikaw pa, na ang turing ko ay kuya.hindi alam ang gagawin,
kung ako ba'y aamin,
pero hindi alam ang sasapitin.
o itatago nalang, para sa pagkakaibigan namin?pinili ko ang dapat,
pinili kong magtapat.
ako'y nagsakripisyo
kahit hindi alam ang mangyayari pagkatapos nito.nang umamin ako,
nasaktan ako.
dahil ang sabi mo
"kaibigan lang ang turing ko sa'yo.
pero h'wag kang mag-alala kahit umamin ka, walang magbabago."wala ngang nagbago,
sa pakikitungo mo.
kaibigan pa rin ang tingin mo,
samantalang ang turing ko sa'yo,
hindi kaibigan, kundi mahal ko.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018