muli tayong nagkita.
para bang nananadya ang tadhana.
kung kailan ako litong-lito at gulong-gulo,
tsaka naman tayo pinagtapo.nang oras na nagkatinginan tayo,
bigla mong iniwas ang tingin mo.
na parang bang hindi mo ako kilala,
na para bang kailanma'y hindi tayo nagkakilala.bigla kong naalala,
mga ala-ala sa nakaraan na nananatili sa aking memorya.
ala-ala, na talaga namang napakasakit at hindi mawala-wala.
ala-ala, na sa tingin ko'y mananatili na sa isip ko at hinding hindi na maglalaho pa.naalala ko ng mga panahong niligawan mo ako.
naalala ko ang mga pangako mo.
sabi mo ikaw lang at ako.
sabi mo...mahal mo ako.siyempre kinilig ako.
sapagkat ikaw ang kauna-unahang lalaki ang nagsabi sa akin ng gano'n.
naniwala ako sa'yo.
sabi ko pa sa sarili ko "sasagutin din kita kapag tama na ang panahon."dumating ang araw na iyon.
sasagutin na dapat kita no'n.
akala ko ito na ang tamang panahon,
'yon pala'y maling pagkakataon.nakita kita,
may kasamang iba.
masaya ka sa kaniya,
at halatang mahal niyo ang isa't isa.kinagabihan tinawagan mo ako,
akala ko, sasabihin mo na ang totoo.
sasabihin mo nang hindi ako ang mahal mo.
pero nagkamali ako.kasi ang sabi mo "tara sex tayo".
nagpaka inosente ako na kunwari hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo.
sa sobrang g*go mo, ipinaliwanag mo pa kung paano.nalaman ko ang totoo,
na hindi talaga ako ang mahal mo.
na pinaglaruan mo lang ako at niloko.
na ang habol mo lang pala ay katawan ko.nasaktan ako.
nasaktan ako sa katotohanang iyon lang pala ang habol mo.
nasaktan ako kasi pinaasa mo ako sa mga pangako mo.
pero mas nasaktan ako kasi pinaniwala mo akong mahal mo ako.pinutol ko lahat ng koneksyon natin sa isa't isa.
sa campus, iniiwasan kita.
alam ko namang sobrang saya mo sa kaniya.
atsaka hindi mo na rin ako muling kinausap pa.
hindi mo na ako muling kinulit pa.
kaya mas pinili kong kalimutan ka.pero alam mo ba?
alam mo bang, minahal din kita?
alam mo bang, tayo na sana?
alam mo bang, nasaktan ako ng sobra?pero hindi mo na kailangan malaman pa.
kasi tapos na.
dapat hindi na muling isipin pa.
dahil lahat, naiwan na sa ala-ala.siguro nga ito ang tama.
na h'wag na natin pang pansinin ang isa't isa.
na umakto tayong hindi magkakilala.
na magturingan tayong wala lang kung sakali man na tayo'y muling magkita.pero nagpapasalamat pa rin ako sa'yo.
kasi, dahil sa'yo, mas naging malakas ako.
dahil sa'yo, mas naging maingat ako.
at ng dahil sa'yo, nalaman kong dapat sa pag-ibig, gamitin din ang utak at h'wag puro puso.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018