pasensya ka na,
hindi ko na kaya.
nais kong sumuko na.
dahil ako'y pagod na.tama nga sila,
darating ang panahon na,
hindi mo na kaya.
darating ang panahon na,
gusto mo nalang ay sumuko na.ako'y naghahanap ng dahilan,
para ang kapit ko'y mas higpitan.
ngunit ako'y walang mahanap.
dahil iba na ang nagaganap.kung wala ng dahilan,
para ika'y aking kapitan,
isa nalang ang paraan,
'yon ay, ika'y bitawan.panahon na.
panahon na para bitawan kita.
panahon na para ako'y sumuko na.
panahon na para maging malaya ka.lagi mong tandaan na,
mahal na mahal kita.
ang ating mga pagsasama,
mananatili na lamang na ala-ala.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PuisiIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018