Tula L

55 4 4
                                    

nag-umpisa sa araw ng lipatan.
sa aking sobrang kadaldalan,
pati ikaw ay aking napagtripan.
at lahat naman ng trip ko'y iyong sinasakyan.

sabi ng aking mga kaibigan,
baka ang simpleng trip ko'y gawin mong totohanan.
ngunit sila'y hindi ko pinaniwalaan,
sapagkat kilala ko naman kung sino ang iyong nagugustuhan.

ngunit hindi ko inaasahan,
na ika'y aking magugustuhan.
nagustuhan kita ng higit pa sa kaibigan.
inisip ko na ika'y aking layuan at iwasan,
ngunit hindi ko tinuloy sapagkat alam kong ako'y mahihirapan.

kaya pinagpatuloy ko ang pagbibiro-biro ko sa'yo.
hanggang dumating sa punto,
na ang nararamdaman ko,
kapareho rin ng nararamdaman mo.

ang lahat ay trip-trip lang naman,
ngunit ito'y nauwi sa totohanan.
ang dating biru-biruan,
heto, totoo ng nagmamahalan.

diyan nag-umpisa ang ikaw at ako.
ikaw at ako na kinalaunan ay naging tayo.
'yong dati na puro lang biro,
heto, nagmamahalan na ng totoo.

sana magustuhan mo ang tulang ito,
mahal na mahal kita. i love you.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon