Tula X

202 6 0
                                    

kahit anong pagsubok ay lalabanan,
kahit anong problema'y magdadamayan.
pangakong walang iwanan,
'yan ang magkakaibigan.

ngunit tayo'y hindi makakatakas,
dahil tayo'y may kaniya kaniyang landas.
mga kaniya kaniyang pangarap,
na gusto nating makamit para sa hinaharap.

tayo'y may kaniya kaniyang daan,
na dapat puntahan.
kaniya kaniyang paaralan,
na dapat pasukan.

sana hindi ito ang maging dahilan,
para tayo'y magkalimutan.
kahit panahon ay magdaan,
mananatili pa rin tayong magkakaibigan.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon