Tula XXII

79 4 0
                                    

silid na may apat na sulok.
nag-iisa, nagmumukmok,
nag-iisip, nag-iisa,
nag-iisip at hindi namamalayang lumuluha.

hindi namamalayang lumuluha,
dahil sa kaiisip sa mga bagay na hindi ko alam kung saan nagmula.
at kapag ilang oras ang magdadaan, ito'y mawawala nalang ng parang bula.

hindi makapag-isip ng tama,
hindi maipaliwanag ang nadarama.
nahihirapan, nasasaktan at kinakabahan,
hindi ko alam kung ba't ganiyan ang nararamdaman.

isang malakas at malalim na buntong hininga.
balewalain na lamang 'tong nadarama.
iisipin ko nalang na ako'y ayos at masaya,
alam ko naman na, nasa sarili ko ang may problema.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon