Tula XLVII

43 3 1
                                    

kapag ika'y aking kasama,
feeling ko walang ibang tao kundi tayong dalawa.
kapag kausap kita,
walang ibang maramdaman kundi saya.

makita lang kita at makita ko lang ang ngiti mo,
buo na araw ko.
marinig ko lang boses at tawa mo,
gumagaan na ang loob ko.

hindi ka man perpekto,
sa'yo ay ako'y kuntento.
wala man sa'yo lahat ng hinahanap ko,
ikaw pa rin ang mahal at mamahalin ko.

ang bilis ba?
wala eh, ito talaga ang aking nadarama.
ang korni ko ba?
pasensiya na. mahal lang talaga kita.

mahal kita na umabot sa puntong masasabi ko ang mga salitang,
"ikaw lang, sapat na."
"ikaw lang, wala ng iba."
gasgas man ang mga linyang 'yan,
sa'yo ay ito'y aking ipaparamdam.

hindi ko maipapangakong ika'y hindi ko sasaktan.
pero ito ang iyong tatandaan,
mamahalin kita ng lubusan at higit pa sa'yong inaasahan.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon