akala ko okay na.
akala ko kaya ko na.
akala ko tapos na.
ngunit, akala ko lang pala.ako'y nahihirapan.
ako'y nasasaktan.
ngunit ito'y aking tinatakpan,
ng mga ngiti at tawang parang makatotohanan.ako'y iyong nakikita,
na laging masaya.
ako'y iyong nakikita,
na laging tumatawa.madaling magkunwari,
ngunit mahirap magpakita ng totoong ngiti.
madaling tumawa,
ngunit mahirap ipakita na talagang ika'y masaya.ngunit ang mga peke kong ngiti at mga tawa,
ay naging makatotohanan sa iyong mga mata.
nalinlang kita, ika'y aking napaniwala.sa'yong mga mata,
ako'y ayos lang at tila walang mabigat na problema.
sa'yong mga mata,
ako'y tila walang lungkot na nadarama.ngunit pakatitigan mo ang aking mga mata.
tiyak iyong mararamdaman at makikita,
ang aking totoong nadarama,
na pinagtatakpan ko sa pamamagitan ng mga tawa.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018