Tula XXVI

84 5 0
                                    

"kaibigan"

kapag ika'y may problema,
ika'y kanilang tutulungan.
kapag ika'y maraming drama,
ika'y kanilang dadamayan.

kapag ika'y may problema,
nandiyan sila para tulungan ka.
kapag buhay mo'y puno ng drama,
nandiyan sila para payuhan ka.

kahit sino ka man o ano ka man,
ika'y hindi nila iiwan.
sila'y nandiyan,
meron man o wala kang kailangan.

iwan ka man ng lahat,
sila'y mananatili sa iyong tabi.
sa'yo ay sila'y tapat,
at palagi kang iniintindi.

sila ang tumatayo,
bilang pangalawang pamilya mo.
kaya sila'y pahalagahan mo,
dahil bilang nalang ang tulad nilang tapat at totoo.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon