Tula XLI

46 1 4
                                    

isa,
kaibigan ko mahal kita.
Mahal kita ng higit pa sa sobra.

dalawa,
ako'y hindi mawawalan ng pag-asa.
hindi mawawalan ng pag-asa at patuloy na aasa.

tatlo,
hindi ako susuko.
hinding hindi ako susuko at patutunayan kong magiging tayo rin sa dulo.

apat,
ibinigay ko na ang lahat-lahat,
ngunit bakit hindi pa rin sapat?

lima,
unti-unting nanghihina,
at unti-unting nawawalan ng pag-asa.

anim,
bigyan kaya kita ng salamin?
nang makita mo namang may nagmamahal sa'yo ng palihim.

pito,
sino 'yong kausap mo?
iba kasi ang mga ngiti mo.

walo,
pagod na ako.
pagod na ako at gusto ko ng sumuko.

siyam,
kahit na ayaw na ng utak ko,
ang puso ko naman hanggang ngayo'y ikaw pa rin ang inaasam-asam.

sampu,
nadurog ang puso at gumuho ang aking mundo.
nadurog ang puso ko nang isang araw na siya'y ipinakilala mo.

ito pa ang sabi mo,
"Kaibigan, siya nga pala ang taong gusto ko."

at gumuho ang aking mundo,
gumuho ang aking mundo nang nalaman kong,
hindi tayo talo dahil lalaki rin ang hanap mo.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon