ano nga ba itong app na pinag-uusapan nila?
na talaga namang patok sa mga madla.
pinag-uusapan karamihan ng mga bata o dalagita.
isang app na punong puno ng libro at istorya.
dito mo raw maibabahagi,
mga kwentong sa isip mo namamalagi.
dito mo raw maibabahagi,
mga damdamin mong hindi mo masabi-sabi.
dito mo maikwekwento,
isang buhay na perpekto o komplikado.
nasa iyo na kung paano tatakbo ang istorya na isusulat mo.
dahil sa umpisa palang ang istorya'y iyo ng kontrolado.
dito ka rin makakabasa,
ng iba't ibang klase ng istorya.
iba't ibang emosyon ang madarama,
dahil sa iba't ibang klase ng genre.
minsan, sasakit ang tiyan mo kakatawa.
minsan, maiiyak ka ng balde-baldeng luha.
matatakot ka at kulang nalang ay maihi ka.
kikiligin ka na para bang ikaw 'yong bida.
ang app na tinutukoy ay ang wattpad.
para sa akin isa itong daan para makatakas kahit saglit lang sa realidad.
imahinasyon mo'y kung saan-saan lilipad.
at sa iba't ibang lugar, ika'y mapapadpad.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018
