Tula XII

166 5 0
                                    

buksan mo ang 'yong mga mata,
para iyong makita.
ang mga tao na,
handang tulungan ka.

h'wag mong isiping nag-iisa ka,
dahil nandiyan pa sila.
ang 'yong mga kaibigan, ang Diyos at ang 'yong pamilya,
na laging nandiyan para damayan ka.

kahit ano pa ang 'yong drama,
nandiyan lamang sila.
kahit 'yan pa ay mala nobela,
sila'y handang pakinggan ka.

mabuti ka man o masama,
h'wag kang mag-alala.
dahil kahit sino ka pa,
ika'y tanggap at mahal nila.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon