Tula XVI

115 6 0
                                    

ako'y umasa,
na maaayos pa.
ngunit wala na,
dahil kayo'y bumitaw na.

maliit na problema dati,
na unti-unting lumaki.
hindi niyo kinaya,
kaya kayo'y sumuko na.

akala ko'y may paraan pa,
kaya ako'y nag-isip kung anong magagawa.
ngunit ng ako'y nakaisip na,
tinanong kita, "laban pa?"
at ang sagot mo'y, "pasensya na, hindi ko na kaya."

nang sinabi mo 'yan,
hindi ko napigilang lumuha.
hindi mapigilang maitanong sa sarili,

"bakit ngayon pa?
kung kailan may paraan na.
kung alam ko lang na huli na,
dapat pala ay matagal ko ng ginawa,
edi sana naayos 'to ng mas maaga."

ngunit para saan pa?
para saan pa ang pagsisisi, kung huli na?
kaya mas pinili kong kalimutan na.
at iwan nalang bilang ala-ala.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon