Tula XLV

41 2 1
                                    

habang ako ay nasa iyong isipan,
naisip mo bang gabi-gabi ika'y aking iniiyakan?
habang ikaw ay nasasaktan,
naisip mo bang ako'y nahihirapan?

oo. ako ang nang-iwan.
ako 'yong nang iwan pero hindi lang ikaw ang nasaktan.
ako ang nang-iwan,
pero hindi lang ikaw ang nahirapan.

alam mo bang ako'y labis na nahirapan?
ako'y labis na nahirapan sa aking paglisan.
tuwing gabi, nasa aking isipan,
nasa isipan ang malaking panghihinayang sa ating nasayang na pagkakaibigan.

nasayang sa isang relasyong hindi mo naman alam ang namamagitan.
nasayang sapagkat ang relasyong iyon ay aking nilisan.

tinatanong mo kung nakonsensiya ba ako,
pwes ang sagot ko sa'yo ay, "oo".
pero kung itatanong mo kung pinagsisihan ko ang lahat ng ito,
"hindi", ang isasagot ko sa'yo.

ngayon, ako naman ang may katanungan.
mga katanungang "oo" at "hindi" lang ang kasagutan.

"mag i stay ka ba si isang relasyong walang kasiguraduhan?"

"mag i stay ka ba sa isang relasyon na ni sa personal hindi magawang magpansinan?"

"mag i stay ka ba sa isang relasyong palaging nagkakahiyaan?"

"mag i stay ka ba sa isang relasyon habang sa puso mo'y may pag-aalinlangan?"

"mag i stay ka ba sa relasyong hindi mo alam kung anong namamagitan?"

"mag i stay ka ba sa isang relasyon habang punong puno ng katanungan ang iyong isipan?"

iyan ang aking mga katanungan,
at kung ito ay iyong labis na naintindihan,
makukuha mo na ang sagot kung bakit ako'y lumisan.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon