Gusto kitang makausap,
Ngunit para sa akin ito'y kay hirap.
Sino ba naman ako upang sayo'y muling humarap?
Ako lang naman iyong dati mong kaibigan na nagpalaya sa'yo kahit mahirap.Sobrang sakit ng aking nadarama,
para bang sa puso ko'y may nakabara.
Sana sa pagpikit ng aking mga mata,
lahat ng sakit ay mapalitan na ng saya.Gusto ko lang malaman mong mahal kita,
kahit ikaw ay aking pinalaya na.
Ang tanging hiling ko lang ay maging masaya ka,
hindi dahil sa akin, kundi dahil sa mga bago mong kasama.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PuisiIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018