Tula XXXI

63 3 6
                                    

lumabas kasama sila,
kung saan-saan nagpunta.
ako'y nakaramdam ng saya,
salamat sa kanila.

kami ay nagkwentuhan,
kung ano-ano ang pinagtripan.
kami ay nagsisigawan,
kalaunan ay magtatawanan.

kahit saan magpunta,
puro kami tawa.
kahit sumasakit na ang mga paa,
tuloy pa rin ang paggala.

nang malapit ng magdilim,
kami'y nagsiuwi na rin.
at kami ay umuwi,
umuwi ng may ngiti sa mga labi.

ako'y nakalabas din.
sa silid na napakadilim.
nasilayan ang ganda ng tanawin,
naamoy ang sariwang hangin.

gumaan ang damdamin,
kahit papaano'y nakalimot din.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon