Ang lahat ay trip lang naman,
ngunit bakit mo tinotohanan.
Ngayon ako'y nahihirapan,
sapagkat alam kong may nasasaktan.Ano ang aking gagawin?
Kailangan bang ako'y may piliin?
Ano ang aking susundin?
Ang aking isip o damdamin?Pa'no kung ako nalang ay umiwas?
Siguro naman sa gano'ng paraan ako'y patas.
Ngunit kung kayo'y aking iiwasan,
pare-pareho naman tayong mahihirapan at masasaktan.Ayaw kong mamili sa inyong dalawa.
Kaibigan kita, gusto ko siya.
Ngunit hindi ko maintindihan ang nadarama.
Kung siya pa rin ba talaga o unti-unting nagiging ikaw na.Ngunit hindi ako sigurado,
dahil sobrang komplikado.
Ako'y gulong-gulo,
kung sino nga ba sa inyo ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
Mga Tula
PoetryIto ay mga tula, na ako ang gumawa. Ito'y nagsimula sa'king isipan, mga salitang hindi ko masabi sa aking mga kaibigan. ------------------------------------------------- Date started: March 29,2018