Tula XIX

89 5 3
                                    

kapag galit ka,
kung ano ano na ang masasabi mong salita.
kapag galit ka,
hindi mo napapansin may nasasaktan ka na pala.

kapag galit ka,
sarili mong nararamdaman lamang ang naiisip mo.
kapag galit ka,
wala ka ng pakialam sa damdamin ng ibang tao.

kaya dapat ay kontrolin mo ang galit mo,
baka hindi mo alam nakakasakit ka na pala ng ibang tao.
kontrolin mo ang galit mo,
dahil kadalasan, galit ang nagiging dahilan kaya ibang bagay ay nagiging komplikado.

dahil diyan sa galit mo,
nagkakaroon sila ng sama ng loob sa'yo.
h'wag lang sarili mong nararamdaman ang isipin mo.
intindihin mo rin nararamdaman ng ibang tao.

lahat tayo may nararamdaman,
lahat tayo nahihirapan,
lahat tayo ay nasasaktan.

pare-pareho lang tayo,
pare-parehong problemado.
kaya h'wag lang sarili ang isipin,
lahat tayo'y may kaniya kaniyang damdamin.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon