Tula XXIV

79 3 0
                                    

iyo na bang naranasan?
ang pumasok sa isang sitwasyon na walang kasiguraduhan?
iyong tipong pinanghahawakan mo lang ay anim na salita?
at iyon ay "Mahal niya ako. Mahal ko siya."

walang kasiguraduhan,
hindi alam ang pwedeng kahinatnan.
walang kasiguraduhan,
sa huli, alam kong pareho kaming masasaktan.

dapat ko ba siyang iwan?
o dapat ko siyang ipaglaban?
mga salita lang naman niya ang aking pinanghahawakan,
kaya natatakot akong dumating ang araw na ako'y kaniyang pagsawaan.

ako iyong klase ng tao,
na ang naiisip ay puro negatibo.
mahirap maging positibo,
lalo na pareho tayong hindi sigurado.

magagalit ka ba?
kung hilingin ko sa'yong, iwan mo 'ko?
magagalit ka ba?
kung hihingin ko sa'yong, ihinto na natin 'to?

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon