Tula XI

173 8 1
                                    

sa dami ng problema,
dapat ika'y manatiling masaya.
h'wag mawalan ng pag-asa,
manampalataya lamang sa Kaniya.

hindi ka nag-iisa,
nandiyan lamang Siya.
kahit saan ka man magpunta,
ika'y babantayan Niya.

kapag ika'y may problema,
ipikit mo ang 'yong mga mata.
manalangin at kausapin mo Siya,
panigurado'y ika'y pakikinggan Niya.

mahal ka Niya,
kaya h'wag kang mawalan ng pag-asa.
bibigyan ka Niya ng lakas, kapag ika'y pagod na.
bibigyan ka Niya ng pag-asa, kapag nais mong sumuko na.

hindi Niya tayo pababayaan,
at kailan ma'y hindi Niya tayo iiwan.
dapat natin Siyang pasalamatan,
dahil sa maraming dahilan.

Salamat Panginoon,
sa lahat ng 'yong binigay.
Salamat Panginoon,
dahil ika'y nagsisilbing aming gabay.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon