Tula XV

125 6 1
                                    

sa tuwing ako'y nag-iisa,
lumalapit ka.
magtatananong ka,
"hoy! anong problema?"

sa tuwing ako'y nag-iisa,
lumalapit ka.
magtatanong ka,
"hoy! okay ka lang ba?"

sa tuwing ako'y nag-iisa,
lumalapit ka.
magtatanong ka,
"hoy! anong drama?"

ngunit sa lahat ng tanong mo,
isa lamang ang sagot ko.
at alam mo kung ano?
"okay lang ako."

pagbigkas ko sa mga salitang 'yan,
ika'y aking nginingitian.
ngunit ika'y hindi makumbinsi,
dahil alam mong pilit ang aking ngiti.

madaling magtago ng nararamdaman.
ngunit kapag mga mata ko'y iyong tinignan,
iyong mamamataan,
mga matang puno ng kalungkutan.

bakit gano'n?
sa lahat ng pagkakataon,
kahit tayo'y may problema,
mas gusto pa rin nating makita nila tayong masaya.

kahit pekeng masaya,
kahit pekeng mga tawa.
ang importante ay magmukhang masaya,
kahit ang totoo'y ika'y punong puno ng problema.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon