Tula LI

32 1 2
                                    

sa tuwing kasama kita,
sa pakiramdam ay napakagaan at napakasaya.
sa tuwing kausap kita,
nakakalimutan ko lahat ng problema.

alam mo bang ang presensiya at mga yakap mo,
ang nagpapawala sa pagod ko.
ang paghalik mo sa pisngi, labi at noo ko,
ay dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

dahil sa'yo,
natuto akong makuntento.
dahil sa'yo,
natuto akong magsakripisyo.

pasensiya na kung nawawalan ako ng oras sa'yo :<
h'wag kang mag-alala darating ang araw na babawi ako.

pasensiya na kung nagkukulang ako,
pero gagawa ako ng paraan para ang pagkukulang ko sa'yo ay matugunan ko.

pasensiya na kung ito lang ako,
pero gagawin ko lahat mag stay ka lang sa buhay ko.

pasensiya na kung hindi ako perpekto.
pero asahan mong minamahal at mamahalin pa kita ng buong puso.

kung wala ka sa buhay ko,
panigurado sobrang lungkot ko.
kung hindi kita nakilala,
panigurado nagpalamon na ako sa problema.

alam mo bang isa ako sa pinakamaswerteng babae sa mundo?
kasi may nakakaintindi at umiintindi sa'kin na katulad mo.
isa ako sa pinakamaswerteng babae sa mundo,
kasi may nagmamahal sa'kin na kagaya mo.

akin ka lang ha?
hindi ka pwede sa iba.
mahal na mahal kita,
at sa bawat araw ay mas minamahal pa.

kahit anong mangyari,
hinding hindi ako susuko.
kahit anong mangyari,
ikaw at ako lang hanggang dulo.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon