...VOTE & COMMENT...
__________Ever's Pov:
Start na ng botohan at hinihintay na lang namin na dumating ang student council.
Simple lang naman ang gagawin sa pagvote. Isusulat mo lang sa papel ang pangalan ng iboboto mo. Wala ring mangyayaring dayaan dahil bilang ang bawat students ng bawat room at boung school kaya bilang rin ang total ng lahat ng boto.
Ang masasabi ko lang ay kinakabahan ako talaga ako sa magiging resulta.
Natapos na rin ang botohan at hanggang nagyon ay parang pinagsakluban pa rin ng langit at lupa ang mga mukha ng mga kaklase ko at tuloy akong nakaramdam ng kaba.
"Ano ba talagang mga problema nila? Kanina pa sila ah." Tukoy ni Aika sa mga kaklase namin.
"Hindi ko rin alam Aika kung anong meron sa kanila at pakiramdam ko talaga may hindi magandang mangyayari."
"Ako rin, pero sana talaga hindi matuloy. Hayss! Wag na nga nating problemahin yan at umuwi na lang tayo dahil bukas pa natin malalaman yong result ng botohan." Tinanguan ko na lang si Aika at sabay na kaming lumabas ng room.
*Kinabukasan*
Habang naglalakad ako papuntang room ay nakasalubong ko si Trixi na may malaking ngisi sa labi.
"Ohh! Hello there Ever!" Pagbati niya pa na sinuklian ko naman ng isang wagas na irap.
"Gusto mo talagang maagaw sakin ang trono ko ah."
"Hindi mo trono yon dahil wala pang nagmamayri non. Wag masyadong taasan ang pangarap mo teh, nakakamatay." Gumuhit naman ang galit sa pagmumukha niya at agad niya ring pinalitan ng isang nakakalokong ngisi.
"Well sakin rin naman mapupunta yon at ngayong araw na yon mangyayari."
"*Smirk* Ows?Talaga? Well wag masyadong makampanti malay mo maagaw ko pa."
"Well rin sayo, hindi mo kilala kong sinong kinalaban mo. I win..." ibinulong niya malapit sa tenga ko ang huli niyang sinabi bago ako linagpasan. Kahit nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya ay ipinagsawalang bahala ko lang yon.
.......
To be continued......THANKS FOR READING..
BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018