Ever's Pov:
"Sino naman kaya si Lila at bakit may diary rin siya na katulad ng kay Ina." Nagkibit balikat lang ako sa sinabi ni Aika.
Hindi ko rin naman alam kung sino si Lila at bakit nandito ang diary niya sa library na katulad pa ng kay Ina.
Naguguluhan na talaga sa dalawang diary na to. Kung ang laman ng diary ni Ina ay tungkol sa love story niya, ito namang kay Lila ay tungkol sa buhay niya.
"Oh my! Look Ever! Nabasa mo ba ang part na to?" Gulat na gulat na bulalas ni Aika habang pinapakita sakin yong gitnang part ng diary ni Lila.
"Hindi ko na yan binasa." Hindi ko talaga binasa ang kabuuan ng diary dahil halata naman sa simulang part na tungkol lang sa buhay niya.
"Kaibigan niya si Ina!"
"What?" Binasa ko yong sinasabi niya at totoo nga ang sinabi ni Aika.
"Thankful ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad ni Sienna. Kahit parang imposible dahil Queen siya ng buong school namin at isa lamang akong hamak na nerd at tinuring niya pa rin ako na parang tunay na kapatid. See?! Magkaibigan nga sila ni Ina." Lalo tuloy akong naguluhan.
Wala namang nababanggit si Ina samin na may iba pa siyang kaibigan maliban saming dalawa ni Aika. Malihim kasi siya samin minsan na hindi naman namin pinagtotounan ng pansin ni Aika dahil sabi niya naman ay tungkol lang yon sa family niya.
Pero pansin ko na palagi siya sa library tuwing hapon. Wala kasi kaming hilig pumunta sa library ni Aika dahil nakakabore naman talaga doon.
Kapag naman gusto namin siyang samahan papunta roon ay may dahilan siya palagi para hindi na namin siya samahan.
Keso gusto niya daw muna magisa dahil nakakapagod din daw ang pagiging Queen, keso magkikita daw sila don ni Zach at gusto nilang solohin ang isa't isa. At minsan pa nga sinasabi niya na samahan ko na lang si Aika sa kabilang building para hanapin yong lablyp niya daw.
Kaya never pa namin siyang nasamahan na pumunta sa library dahil parang ayaw niya talagang kasama kami doon. Minsa nagtatampo na sa kanya si Aika pero sakin niya lang sinasabi.
"Yong palaging pagpunta niya sa library!"
"Your right, palagi siyang may dahilan para hindi natin siya samahan." Dagdag ko pa na ikinatango tango naman ni Aika.
"Baka matagal tagal niya ng kaibigan si Lila. Kaya siguro siya pumupunta dito sa library para magkita sila ni Lila. Di ba nga nerd si Lila kaya siguradong book worm yon at tambayan ang library. Pero nakakatampo lang isipin na parang ayaw niyang sabihin na may kaibigan pa siyang iba maliban satin." May himig na pagtatampo na sabi ni Aika.
"Hindi natin alam ang dahilan niya kaya kailangan nating alamin. Baka makita natin don sa diary ng buhay ni Ina."
"Oo nga kaya kailangan natin talagang mahanap yong diary niya. Sigurado namang nandito lang din yong katulad ng diary na nakita natin. Tutal naman dito mahalig tumambay yong dalawa kaya siguro dito nila tinago yong diary nila."
"Then maghiwalay tayo ng paghahanap."
"Ako na lang don sa left part at ikaw naman sa right part." Sabay tayo ni Aika.
"Sige." Tumayo narin ako para magsimulang maghanap.
Isa isa kong tinitingnan ang bawat libro na nakalagay sa book shefl. Sa totoo lang nakakapagad din naman ang tumayo pero kailangan namin talagang mahanap yong diary para masagot lahat ng tanong namin ni Aika.
Kung paano nga ba nagkakilala si Ina at Lila ng hindi na namin nalalaman. Kung paano sila naging magkaibigan. Kung bakit hindi yon sinabi samin ni Ina.
Sa dami ng libro dito sa library hindi ko na alam kung saang parte yon dito nakasingit. Fifteen ata ang book shefl na meron dito at bawat isang book shefl ay sigurado akong nasa 150+ na book ang nakalagay.
......
Hindi ko alam kung ilang oras na ba kaming naghahanap dito. Nakaramdam na rin ako ng gutom at hindi ko lang alam kung ganon din si Aika dahil kanina pa yong seryoso sa paghahanap.
Dapat pala dinala ko na lang yong bag ko dito. Nandon kasi yong baon kung pagkain at sigurado namang kasya yon samin ni Aika.
Nasanay na akong magdala ng sarili kong pagkain imbes na bumili sa canteen. Mas gusto ko kasing kainin yong linuto ko mismo o di kaya ang luto ni Ash.
Tss! Naalala ko na naman siya. Okay na naman ako sa pagkawala ni Ash. Hindi ko lang talaga mapigilang malungkot kapag naiisip ko siya.
"Ever tingnan mo tong nakita ko!!" Nagtatakbong sabi ni Aika habang may dalang kung ano.
"Ano yan?"
"Ito na yong hinahanap natin!" Sabay pakita niya sakin ng diary na hawak niya.
Katulad lang din ito ng dalawang diary na nakita namin.
"Ayos ha, triplets lang ang peg ng tatlong diary na to. Pinahirapan pa talaga tayong paghanapin eh. Nagutom tuloy ako *pout*." Napailing na lang ako sa pagsimangot ni Aika.
"Let's eat, sa room na lang tayo may dala naman akong pagkain at kasya yon satin. Saka na natin to basahin."
"Sa wakas! Natakam tuloy ako dahil siguradong ikaw ang nagluto non. Sarap mo ba namang magluto nakakatakam." Napailing na lang akosa sinabi ni Aika.
"Halika na." Hihilahin ko na sana siya palabasng siya na mismo ang humila sakin. Gutom na nga ang isang to.
Hindi pa man kami nakakalabas ay bigla naming nakasalobong si Trixi.
"Gutom na ko." Ungot sakin ni Aika. Alam niya siguro ang mangyayari dahil nakasalubong namin si Trixi.
"Tar.... What the!! Akin yan!" Bigla na lang kinuha ni Trixi yong diary na hawak ni Aika na ikinagulat naming dalawa.
"This is mine!!" Sabay takbo niya kaya agad rin akong napatakbo katulad ni Aika.
"Ibalik mo yan samin Trixi!! Ilang oras kaming naghanap diyan tapos kinuha mo na lang bigla!! Kakatayin talaga kita pag naabutan kita!!" Sigaw ni Aika habang tumatakbo.
Medyo malayo layo na si Trixi kaya binilisan ko pa ang pagtakbo at ganun rin ang ginawa ni Aika.
Marami ng napapatingin saming students dahil tumatakbo kami at hinahabol si Trixi. Ng bigla na lang lumiko si Trixi at pagliko namin ay wala na ito.
Tatakbo pa sana ako kaso nakita kong napaupo na sa pagod si Aika. Kaya linapitan ko na lang siya kesa habulin pa si Trixi.
"Hindi ko na talaga kaya Ever. Feeling ko mahihimatay na ko sa gutom. Ikaw na lang ang humabol kay Trixi." Hingal na hingal na sabi ni Aika.
"Same her. Kumain na lang muna tayo at saka na natin hanapin si Trixi pagkatapos na tayong kumain." Hindi ko na rin kaya. Gutom na rin ako katylad ni Aika.
"Sivurado ka? Pero yong diary.."
"Intindihin muna na natin ang pagkain kesa mamatay tayo sa gutom para lang makuha yong diary. Tungkol lang naman yon sa buhay ni Ina at saka natin aalamin kung bakit gusto yon makuha ni Trixi." Tumango na lang si Aika kaya inalalayan ko na siyang tumayo para makapunta na kami sa room at makakain.
......
To be continued....VOTE & COMMENT
![](https://img.wattpad.com/cover/141994175-288-k732441.jpg)
BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018