War of High School 19

1.6K 42 3
                                    

...VOTE & COMMENT...
__________

Ever's Pov:


Linis dito, linis doon.


"Pupunta daw dito sa pwesto natin ang Queen! Maglinis na kayo!" Sigaw ng isang students.


Agad namang nagsibalikan sa paglilinis ang mga students na nagpapahinga.


"So what naman." Mahinang bulong ni Aika sa tabi ko.


"Hayaan mo na lang Aika." Sabi ko na nakita ko pa ang pagirap nito.


"Tss!"


"What a nice view girls, kaya niyo pa ba?" Sakrastic na sabi Trixi na kararating lang.


Nasa garden na kasi kami ngayon nag lilinis at ang init init pa. Habang ang demonyitang si Trixi naman ay may taga payong pa talaga.


"At nagtanong ka pa talaga!" Pinigilan ko agad si Aika baka magkagulo pa.


"Awh! Mukang hirap na hirap na kayo, gusto niyo bang magpahinga?" Kunwaring naaawang sabi ni Trixi. Plastic!


"Yes Queen Trix! Hindi na po namin kaya, pwede po bang magpahinga?" Lapit dito ng isang students.


"Oo nga po Queen" at nasundan pa ng iba.


"Pagod na po kami, kanina pa naglilinis."


"Pahinga naman po."


"Oh? Mukha nga eh, pagod na kayo. Pero..." napatigil naman ang mga sila.


"Paano kung ayoko? Hahahaha! Nakakaawa naman kayong tingnan! At gusto ko pang makita na naghihirap kayo *smirk*" lalag balikat na nagsibalik sa paglilinis ang students dahil sa sinabi ni Trixi. Samantalang kami naman ni Aika ay nakataas kilay lang na nakatingin sa kanya.


"Dahil mabait naman ako, ay papayagan ko kayong magpahinga." Agad nagliwanag ang mga mukha ng mga students. Ano naman kaya ang plano ng isang 'to?


"Salamat po queen."


"Ang bait mo po talaga."


"Kaya nga po."


"I know, sa isang kondisyon." Sabi na nga ba eh.


"Gusto kong lumuhod muna kayo sa harapan ko at magmakaawa kayo hanggang sa mapaoo niyo ako *evil grin*." Gulat ang makikita sa mga mukha ng mga students.


"P..po?"


"Per.."


"Gusto niyo ba talaga ng pahinga?! Then paghirapan niyo at gawin ang gusto ko!" Sigaw na sabi ni Trixi.


Agad namang nagsilapitan ang mga students kay Trixi at kanya kanyang luhod at pagmamakaawa.


"Please gusto po naming pahinga."


"Oo nga po, pagod na po kami."


"Hindi na po namin kaya, please po pagpahingahin mo na po kami."


"Isang linggo na po kaming naglilinis gusto na po namin ng pahinga." Pagmamakaawa ng mga studtents at kung ano ano pang sinasabi nila. Umiiyak na rin ang iba habang nagmamakaawa, habang si Trixi naman ay tuwang tuwa na nakatingin sa kanila.


Nagkatinginan kaming dalawa ni Aika. Kaming dalawa lang ata ang hindi lumapit kay Trixi at para magmakaawa. Nakikita ko ang sobrang galit na mukha ni Aika kay hinawakan ko ang kamay niya at sinenyasan na huwag, ayokong makipagaway siya dahil alam kong talo kami.


"Kayo! Hindi ba kayo magmamakaawa sakin para makapagpahinga kayo?" Tukoy samin ni Trixi na inirapan lang namin ni Aika.


"Never! Mas gugustuhin nalang namin maglinis kesa magmakaawa sa isang tulad mong hindi naman dapat linuluhuran dahil hindi ka naman diyos o santo! Isa kang demonyo!" Gigil na sabi ni Aika sabay hila sakin sa medyo malayo sa pwesto ni Trixi at nagsimulang maglinis ulit.


Haysss! Ganun na rin ang ginawa ko. Ayoko namang magmakaawa rin sa demonyong yon! In her dreams!


.......
To be continued...

..THANKS FOR READING..

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon