Ever's Pov:
"Ashton?..." No this can't be
Liam Jenson Standford...
Liam Jenson Standford...
Liam Jenson Standford...
Paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang pangalan niya at siguradong hindi nga siya si Ash. Pero may parte saking umaasa na siya nga yan dahil may pagkahawig talaga sila pero magkaiba ang katangian nila. Wala namang nababanggit sakin si Ash na may kapatid siya, at hindi rin imposible na kapatid niya nga ito.
Ang gulo, ang gulo gulo. Hindi ako mapakali kaya agad agad akong tumayo para lumabas ng gym sana kaso biglang may humigit sa braso ko.
"Where are you going? Ayos ka lang ba? Bakit pinagpapawisan ka?" Sunod sunod na tanong ni Zach.
"I'm fine, gusto ko lang bumalik sa room." Sabay tanggal ko sa pagkakahawak niya sakin at salamat naman at hindi niya ulit ako pinigilan kaya tumakbo agad ako palabas.
Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa garden ng school at umupo agad ako sa beanch na naroon.
Naguguluhan na talaga ako. Sino ba siya? Maaari bang siya si Ash? Pero magkaibang magkaiba talaga sila. O di kaya kapatid siya ni Ash. Pero.... Hayst!! Puro na lang pero! Nakakainis! Imposibleng siya si Ash dahil nakita ko mismo ang katawan ni Ash na nakalagay sa kabaong. Nakita ko mismo kung paano magluksa ang mga magulang niya sa pagkawala niya. At posibleng kapatid siya ni Ash o kamaganak niya kaya sila may pagkahawig.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko at pilit ko ring ipinagsasawalang bahala ang nakita ko kaya nakahinga na rin ako ng maluwag.
.....
Liam Jenson's Pov:
Pagkatapos kong magpakilala ay bumaba na agad ako ng stage na hindi naman napansin ng iba kong kasama dahil busy sila sa pagsasalita ng kung ano ano at hindi ko naman maintindihan. Habang ang mga students naman na babae ay panay ang tilian. Tss! Mahirap talaga pag guwapo. (ー_ー)!! Pero okay lang naman para makahanap agad ako ng chiks.
Maganda ang school na to ha, at siguradong mageenjoy ako rito lalo pa't madaming chiks na magaganda. At kahit yong Queen nila ay maganda rin pwede ng maging libangan ko. *Smirk* sisiguraduhin kong magiging maganda ang buhay studyante ko dito.
Naglakad lakad lang ako habang pasipol sipol pa akong tumutingin sa paligid. Hanggang sa makarating ako sa isang parte ng school na sigurado akong garden ang tawag dito. Naglakad ako papasok habang nakapamulsa at siguradong cool akong tingnan sa porma ko *wink*. At bigla akong may natanaw na beanch sa may bandang dulo at ang ikinangisi ko pa ay may chiks na nakaupo roon.
"*evil grin* It's play time baby." Ngisi kong bulong sa sarili at nagsimula na akong lumapit sa kanya.
Hindi niya siguro ramdam ang presensya ko kaya nakatalikod pa siya kaya ginamit ko itong pagkakataon para umupo sa tabi niya.
"Ang ganda ng bulaklak diba.." ngiti kong sabi kaya gulat siyang napatingin sakin.
"Kasing ganda mo." Sabay tingin ko din sa kanya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ang maganda niyang mata na gulat ring nakatingin sakin.
"A..anong ginagawa mo dito." Gulat niyang tanong habang nauutal pa. Cute!
"Dadaan lang sana ako dito kaso may nakita akong magandang binibini at mukhang nagiisa kaya napagpasyahan kong lapitan at tabihan muna." Nakangisi ko pa ring sabi habang nakatingin sa kanya. Habang siya naman ay gulat na gulat pa ring nakatingin sa guwapo kong mukha at hindi rin nagtagal ay nagiwas siya ng tingin.
"So, anong ginagawa ng magandang binibining katulad mo sa garden na to ng magisa?" Tanong ko.
.....
Ever's Pov:
"So, anong ginagawa ng magandang binibining katulad mo sa garden na to ng magisa?" Tanong niya pero hindi ako sumagot dahil gulat na gulat pa rin ako sa pagsulpot niya dito sa garden.
Habang nakatulala akong nakatingin sa mga bulaklak kanina ay bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko na ikinagulat ko. Ng tumingin siya sakin kanina ay nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan at masuri ang mukha niya at talagang may pagkahawig nga siya kay Ash. At doon ko rin nakumpima na hindi siya si Ash na ikalungkot ko. Nagkaroon kasi ako kanina ng pagasa na buhay pa nga si Ash ng makita ko siya dahil hindi maipagkakailang magkahawig sila. Pero nadesmaya ako ng makita ko ang taling na nasa ilalim ng mata niya at walang ganon si Ash dahil ilang bese ko ng nakita ng malapitan ang mukha ni Ash at hindi ko makalimutan yon. Pati na rin ang katangian niyang malayong malayo sa Ash na kilala ko ay nagsasabing hindi talaga siya si Ash.
"Miss beautiful! Natulala ka na diyan!" Napalingon ako kay Liam ng bigla siyang sumigaw.
"Huh?"
"Tsk! Nakakaturn off ka Miss Beautiful. Naglilinis ka ba ng tenga at hindi mo narinig ang sinabi ng guwapong si Ako? " naiiling niyang sabi at halos mapairap ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Binigyan ko naman siya ng isang malamig na tingin dahil nainis ako sa sinabi niya.
"Oppss! Chill ka lang Miss Beautiful masyado kang hot...este cold pala. Nagtatanong lang naman eh."
(ー_ー)!! Hindi nga siya si Ash at 100% sure ako don.
"May kilala ka bang Ash?" Bigla na lang yon lumabas sa bibig ko.
"What? Grabe ka naman Miss beautiful, tanungan ba ako ng nawawalang tao? Ang guwapo ko naman masyado para diyan. At saka sino ba ang Ash na yon at bakit mo hinahanap eh nandito naman ako *wink*." (ー_ー)!! Sarap niyang ilibing ng buhay, paalala niyo sakin mamaya.
......
To be continued....
VOTE & COMMENT
BINABASA MO ANG
War of High School
Mystery / ThrillerThis book is full of grammatical errors and super cringe! Read at your own risk lol! Cover by: IAmZeemo Started: March 25, 2018 Ended: May 26, 2018
