War of High School 24

1.5K 37 3
                                    

...VOTE & COMMENT...
__________

Ever's Pov:

Pagdating ko sa condo ay agad kong hinanap ang cellphone ko. Pakiramdam ko kasi may kailangan akong gawin don.

Hindi pwedeng magdala ng cellphone sa school at wala ring signal dun kaya hindi mo rin magagamit. Ipinagbabawal talaga ang cellphone sa Hellyon High School at hindi ko alam kung bakit. Kaya palaging iwan ang cellphone ko sa bahay at hindi ko na ring masyadong nagagamit kaya pakalat kalat na lang sa kung saan dito sa condo.

Nakita ko naman ito sa ibabaw ng side table ng kama ko. Agad ko itong binuksan dahil nakapatay.

Pagkabukas ko ay tumambad sakin ang napakaraming missed call galing kay Tita na mommy ni Ash. Tumawag naman agad ako kay Tita baka may importante siyang sasabihin.

"Hello Tita."

"Hello Ever, Ever si Ash!" Kinabahan naman ako bigla dahil umiiyak si Tita.

"Bakit Tita? Anong nangyari kay Ash?"

"Si Ash Ever, wala na si Ash. Wala na siya..." nabitawan ko bigla ang cellphone ko dahil sa sinabi ni Tita.

"Hindi, hindi pa siya patay diba? Nagjojoke lang si Tita. Paanong mawawala si Ash eh kasama ko lang naman siya kagabi eh." Naitanong ko sa sarili ko at unti unti akong napaupo sa sahig habang tumutulo na rin ang luha ko.

"Ash buhay ka pa diba? Tinabihan mo nga ako kagabing matulog tapos ngayon sasabihin ni Tita na wala ka na. Pa..paanong n..nangyari yon? *sob sob* Hindi mo ako iiwan diba?" Parang baliw na  akong kinakausap ang sarili ko dahil hindi ko matanggap ang sinabi ni Tita. Hindi magrehistro sa utak ko at pakiramdam ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

Ka..kaya pala niya gustong tumabi sakin kagabi at kaya pala ang lambing lambing niya ka.. kasi iiwan niya na pala ako. Pero bakit? Ang tanga tanga ko dahil hindi ko naramdam na kaya pala ginawa niya yon dahil may ibig sabihin na pala. Ang tanga! Ang tanga! Tanga!

Third Person's Pov:

Patuloy lang sa pag iyak si Ever dahil hindi niya pa rin matanggap na wala na si Ash. Pakiramdam niya hindi niya kaya kapag wala si Ash, parang magkakaroon ng kulang kapag wala si Ash.

Naiinis rin siya sa sarili niya dahil nong panahong nandiyan si Ash at naglalambing sa kanya ay binabalewa niya yon. Pero ngayong na laman niya na wala na ito pakiramdam niya nagsisisi siya dahil hindi niya pinahalagahan ang mga panahong yon.

Iyak lang siya ng iyak at para na siyang baliw dahil sinasabunutan niya na rin ang sarili niya habang sinasabing tanga siya dahil hindi niya pihalagahan ang panahong buhay pa si Ash.

Ng medyo kumalma na siya ay agad siyang tumayo sabay kuha sa cellphone niya. Lumabas siya ng condo at dali daling bumaba.

Pagdating niya sa baba ay pumara agad siya sa taxi na nakita niya at sumakay dito. Pagkasakay niya naman ay tumawag siya sa mommy ni Ash at tinanong kung saan dinala ang bangkay ni Ash at sinabi naman nitong nasa ****** Hospital sila.

"Saan tayo ija?" Tanong ng driver ng taxi.

"Sa ****** Hospital po." Umiiyak niyang sabi na ikinakunot ng noo nito pero wala na lang itong sinabi.

.......
To be continued...

..THANKS FOR READING..

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon