War of High School 45

1.4K 28 7
                                    

Ever's Pov:

"Ikaw na talaga Ever! Biruin mo, dalawang lalake ang may gusto sayo. Si Zach na kilala bilang King tapos yong hot na transferee. Kyahhhhh!! Nakakakilig!!" Sinamaan ko naman ng tingin si Aika dahil ang ingay niya.

Nandito kaming dalawa sa library at kaming dalawa lang rin ang tao rito. Pati ang librarian ay wala din dito. Mula kasi ng binigyan ng bakasyon ni Trixie ang mga guro dito maliban lang sa mga namamahala ng canteen at kay Mrs. Cardova ay hindi na sila nagsibalik pa. Madami ngang nagtataka kung bakit dahil lagpas isang buwan na silang wala pero wala namang makapagsabi kung bakit. Hindi na lang yon ipinagtaka pang students dahil mas maganda naman daw kung walang teachers.

So ang naging resulta ay wala ng klase pa at lalong gumulo ang buong school. Kaya nga naisipan kong sa susunod na pasukan ay hindi na ako dito papasok dahil wala na namang kwenta ang school na to. Gusto ko lang tapusin ang taong to at saka kaya hindi na  lang ako umaabsent dahil wala rin naman akong ginagawa sa bahay.

"Chill ka lang Ever, tayo lang kaya ang tao dito."

"I know. Di mo ba alam na nagbabasa ako." Sabay balik ng tingin ko sa binabasa ko.

"Tss! Oo na! Nagbabasa ka pa eh wala na naman tayong klase eh, free na tayo." Inirapan ko na lang siya bago tumayo para maghanap ulit ng librong pwedeng mabasa.

"Sungit mo talaga eh." Sabi ni Aika  na  nakasunod pala sakin.

"Alam ko."

"Hayyyss! Pwede ba Ever wag ka ngang palaging tahimik dyan mapapanis laway mo eh. At saka wala naman masama kong kiligin ako dahil sa nangyaring agawan sayo ng dalawang guwapong lalake." Nangaasar na sabi ni Aika.

"Tumigil ka na Aika ang ingay mo. Ipapatapon kita sa pluto." Seryoso kong sabi at buti naman ay nakuha siya sa kaseryosohan ko. Alam niya kasing malapit na akong magalit kapag nagseryoso ako paginaasar niya ako eh.

Nagparuloy na lang ako sa paghahanap ng libro hanggang sa mapunta ako sa sulo ng library na may pinaka dulong book shelf. Nagsimula na ulit akong maghanap hanggang sa mapunta ako sa pinakadulo at may nakita akong maliit na libro na nakasiksik duon, ito lang ang naiiba dahil medyo mas maliit ito sa mga libro na naroon.

Parang may nagudyok sakin na kunin ito kaya kinuha ko nga ito. Ng basahin ko ang pamagat nito ay nangunot ang noo ko.

 Ng basahin ko ang pamagat nito ay nangunot ang noo ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Sienna's Property?" Don't tell me sa kanya to.

"Aika tingnan mo to." Sabi ko gad kay Aika ng makabalik ako sa table naminkanina habang dala ko yong diary.

"Ano naman yan?"

"Isang Diary at may nakalagay pa na Sienna's Property."

"What?! Ka..kay Sienna yan?" Utal niyang tanong at bigla na lang itong sumeryoso.

"Hindi pa ako sigurado, hindi ko pa nabubuksan."

"Buksan natin para malaman natin." Tinanguan ko lang siya sabay upo ko sa tabi niya at binuklat ko na agad ang diary.

......
To be continued.....

VOTE & COMMENT

War of High School  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon